Inirekomenda ngayon ni AANGAT Tayo Partylist Representative Neil Abayon na magkaruon ng distress signals ang mga driver ng TNVS o Transport Vehicle Service gaya ng Grab at Uber.
Ito ay kasunod ng nangyaring pagpatay sa isang driver ng Grab na si Gerardo Maquidato Jr. nuong nakalipas na linggo.
Ayon kay Abayon , maaaring magamit ng mga driver ang distress signal bilang pang – alerto kapag mayruong insidente ng carnapping , holdapan at iba pang banta na maaaring mauwi sa patayan.
Matatandaang, nagkaroon na rin ng mga insidente kung saan nagagamit ang mga driver ng Grab at Uber bilang mga ‘drug courier’.