Mayroon na lamang hanggang katapusan ng Hulyo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tapusin ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda sa ikalawang tranche ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinanghahawakan ng Malakanyang ang naunang pahayag ng DSWD na kanilang makukumpleto ang distribusyon ng SAP ngayong Hulyo.
Dagdag ni Roque, kapuna-punang mabagal ang pamamahagi ng ayuda sa ikalawang tranche ng nabanggit na programa.
Iginiit naman ng kagawaran na natatagalan sila sa pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP dahil sa isinasagawa nilang validation sa listahan ng mga benepisyaryo na layuning matukoy at maiwasan ang paulit-ulit na pangalan.