Halos 100% nang natapos ng Department Of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program.
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Paje, umaabot na sa P83.5-B na pinansiyal na tulong ang kanilang naipamigay sa tinatayang 13.9-Mna benepisyaryo.
Katumbas na aniya ito ng 98% na accomplishment rate ng dswd para sa ika-2 yugto ng SAP.
Sinabi ni Paje, may kabuuang 14.3-M na benepisyaryo ang ikalawang tranche ng SAP na nagkakahalaga ng P94.5-B.
Gayunman, hindi pa ganap na makumpleto ng DSWD ang pamamahagi ng pinansiyal na ayuda dahil may kinahaharap na isyu ang mga nalalabi pang benepisyaryo tulad ng dobleng pangalan at kulang na impormasyon.