Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na huwag nang patagalin pa ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno para sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR plus.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, mayroon lamang 15 araw ang mga Alkalde na ipamigay ang ayuda, maging ito man ay cash o in-kind.
Sinabi ni Diño na titiyakin ng pamahalaan na mahaharap sa karampatang parusa ang lalabag dito lalo’t nais ng Pangulo na makulong ang mga mananamantalang opisyal.