Dapat na mas pagtuunang pansin ngayon ng gobyerno ang distribusyon ng COVID-19 vaccines sa mga lalawigan.
Ito ang inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) kasabay ng pagtutol nila sa sapilitang pagbabakuna ng mga manggagawa.
Iginiit ni ECOP President Sergio Ortiz-Luis na dapat na makarating muna ang COVID-19 vaccines sa mga probinsiya at maisaayos ang mga problema hinggil dito.
Mababatid na naglabas ng resolusyon ang IATF na nagsasaad na simula December 1 ay dapat na bakunado na ang “on-site workers” sa mga lugar na may sapat na suplay ng COVID-19 vaccines. —sa panulat ni Hya Ludivico