Iminungkahi ni Vice President Leni Robredo na ipamahagi ang Johnson & Johnson vaccine sa mga lugar na may kaso ng Delta variant.
Magugunitang kinumpirma ng Department Of Health na may local transmission ng mas nakakahawang coronavirus strain sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central Luzon.
Binigyang diin ni Robredo na mahalagang pagbutihin ang pagbabakuna sa bansa kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng iba’t ibang COVID-19 variants sa Indonesia, Malaysia at Thailand.
Nanawagan rin ang Bise Presidente sa gobyerno na buhusan ng pondo ang mga ospital sa lalawigan upang makapaghanda sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod ng Delta variant.
Umaasa si Robredo na mas mabibigyan ng tulong ang mga ospital sa probinsya sakaling lumala ang sitwasyon.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico