Maaantala ang pamamahagi ng karagdagang Sinovac vaccines na dumating sa bansa.
Ito ang iginiit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa aniya nakakapagsumite ang Chinese manufacturer ng certificate of analysis para sa isang milyong doses na nai-deliver sa bansa noong nakaraang linggo.
Sinabi pa ni Vergeire, na kailangan munang makumpleto ang mga dokumento bago ito maipamahagi sa mga lugar na tatanggap ng bakuna.
Magugunitang, ito rin ang naging dahilan kung bakit naantala ang pamimigay ng mga bakuna sa mga lalawigan.
Samantala, malapit na rin aniya dumating sa bansa ang pagdeploy ng 2.2 milyong doses ng Pfizer vaccine.