Nananatili pa ring mabagal ang distribusyon ng mga bakuna laban sa Covid-19 sa limang rehiyon sa bansa.
Ayon sa pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Ang kakulangan ng vaccinators ang dahilan ng mabagal na pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Rehion in Muslim Mindanao (BARMM), Rehiyon 4B, Rehiyon 5, Rehiyon 9 at Rehiyon 12.
Nakipag-ugnayan naman si Galvez sa mga medical association sa mga naturang lugar kung saan handang tumulong ang mga allied medical professionals tulad ng pharmacists at dentists sa pagbabakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho