Simula na ang pagbubukas ng klase ngayong araw, kahit marami parin ang hindi nakakatanggap ng module.
Ayon sa Department of Education (DEPED) naantala ang pagbaba ng soft copy ng mga module sa regional offices ng Department Of Education na siyang nakatalagang mag-imprenta ng mga ito.
Dahil dito, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary General Raymond Basilio, na wala munang academic classes sa loob ng 2 linggo sa Quezon City.
Sa isang bahagi naman ng Cebu ay hinati muna sa mga estudyante ang mga module kung kaya’t sa halip na 8 subjects ay4 na subjects muna ang aaralin ng mga mag aaral.