Inaasahang magkakaroon na ng mass production ng Sinovac ng China sa susunod na buwan sa gitna nang phase 3 ng clinical trials na ginagawa nito sa China at sa iba pang bansa sa mundo.
Ito’y ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana ay kaya’t posibleng sa Disyembre na o sa unang quarter ng 2021 ay masimulan na ang distribusyon ng Sinovac.
Tiniyak ni Sta. Romana na nananatiling priority sa listahan ng China na mabigyan ng bakuna ang Pilipinas.
Inamin ni Sta. Romana na malaking hamon sa Pilipinas ang pagtanggap sa bakuna dahil kinakailangan itong paghandaan.
Kailangan aniya ng freezing cold storage facility para sa mga bakuna dahil mawawalan ito ng bisa kapag nalantad sa tropicial condition tulad ng Pilipinas.
Siniguro naman ni Budget Secretary Wendel Avisado na mayroon silang budget para sa cold storage facility na pag-iimbakan ng mga kukuning bakuna laban sa COVID-19.
Maliban sa China nag-apply na rin ng clearance for clinical trials ang Russia para sa kanilang Sputnik 5 at ang Jansen pharmaceutical company ng Amerika.