Inireklamo sa Tanggapan ng Ombudsman ang isang opisyal ng Department of Education (DepEd) sa bahagi ng Taguig-Pateros area
Kaugnay ito sa pamimilit umano ng akusado sa mga School Principal sa kaniyang nasasakupan para mangkolekta ng tig-50 sentimos sa kanilang mga mag-aaral
Batay sa 25 pahinang reklamo nila DepEd District Supervisors Ellery G. Quinta, Teodoro Melegrito at Paz A. Quilinguin, administrative case ang kanilang isinampa laban sa kapwa nila opisyal na si Marcial Sison
Nabatid na gagamitin umano ni Sison ang malilikom niyang pondo para sa pagpapaayos ng kanyang tanggapan, pagbili ngbpersonal supplies at ang representation allowance sa mga sandaling dumadalo siya sa mga pulong
Nakasaad pa sa reklamo na iniipit umano ni Sison ang school financial report na requirement para sa liquidation ng monthly Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) na isinusumite ng mga punong guro sa Division Office
Dahil dito, tinatayang aabot sa P40,000 hanggang P100,000 ang umano’y nakolekta ng respondent mula sa mga paaralan kabilang na ang benta para sa kanyang personal items na ipinagbibili sa loob ng mga kantina ng mga paaralan
2017 pa umano inilabas ni Sison ang utos sa mga Principal kung saan, nanghingi umano ito ng updated na listahan ng enrollment kada paaralan at inoobliga ang Disbursing officers at mga canteen managers ng mga paaralan na mag-remit ng 50 sentimo per student computation.