Ganap nang batas ang panukalang nagdideklara sa Disyembre 8 ng bawat taon bilang isang special non – working holiday.
Ito’y makaraang lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10966 bilang pagkilala ng estado sa kapistahan ng Immaculate Conception na ipinagdiriwang ng mga katoliko sa naturang petsa.
Alinsunod sa turo ng simbahang katolika, itinakda ang Disyembre 8 bilang maringal na kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria o Immaculate Conception na tinaguriang patron ng sambayanang Pilipino.
Magugunitang isinulong ni Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas ang nasabing panukala na agad namang inaprubahan ng kongreso bilang pagpupugay sa nag-iisang kristyanong bansa sa asya.
(Ulat ni Jopel Pelenio)