Disyembre o Enero ng susunod na taon ang nakikita ng grupo ng mga guro na pinakamagandang pagkakataon para buksan ang klase.
Ayon kay Benjo Basas, national chairman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), tila masyadong maaga ang August 24 na pagbubukas ng klase na ini-anunsyo ng Department of Education (DepEd) dahil wala pang katiyakan kung nagtatagumpay na ang laban kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kumbinsido anya ang kanilang grupo na face-to-face man o online learning ay hindi pa handa ang DepEd, mga guro at mag-aaral na magbalik-eskwela sa Agosto.
With or without the vaccine, baka meron na tayong mga pamamaraan para mai-set natin ‘yung school opening by January halimbawa,” ani Basas. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas