Nagbabala ang isangambabatas na posibleng maapektuhan ang operasyon ng ikatlong telco sa Pilipinas na Dito Telecommunity.
Ito’y ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ay sa sandaling tuluyan nang ipagbawal sa Estados Unidos ang China Telecom Corp.
Ang China Telecommunications Corporation ay isang Chinese state-owned company kung saan affiliated ang DITO Telco kung saan, ikalawa ito sa mga major shareholder ng kumpaniya.
Paliwanag ni Castro, partikular na maaapektuhan sa operasyon ng DITO sa Pilipinas ay ang roaming connections o ang pagtawag ng mga Pinoy subscriber sa ibang bansa lalo na sa Amerika.
Dahil diyan, tiwala rin si Castro na tiyak apektado rin ng napipintong hakbang ng amerika ang broadband o mobile network ng dito para maka-access sa mga us based websites.