Ipinatawag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang mga opisyal ng Dito Telecommunity corporation gayundin ang contractor nito.
Bunsod ito ng paglala ng problema ng Metro Cebu sa daloy ng trapiko dahil sa ginagawang paghuhukay nito sa kahabaan ng highway na sakop ng bayan ng Consolacion.
Ayon kay Garcia, nabatid na ang ginagawang paghuhukay ng dito telco sa nasabing kalsada ay para maglagay ng fiber optic cables sa tabi mismo ng highway.
Subalit ang problema ayon kay Garcia, iniwanan lamang ang mga iyong nakatiwangwang na dahilan upang mag-embudo ang mga sasakyan sa tabi ng mga hukay na siyang nagpapabigat lalo sa daloy ng trapiko.
Giit ng gobernador, kung hindi tatakpan ng Dito telco ang mga hinukay na butas ng kanilang contractor ay sila na ang maglalagay ng steel plates subalit sisingilin nila rito ang dito dahil sa perhuwisyong dulot nito sa mga motorista.