Kinastigo ni Sen. Grace Poe ang ikatlong telco ng bansa na Dito Telecommunity Incorporated na huwag gamiting kolateral ang kanilang prangkisa para makahikayat ng mamumuhunan sa kanila.
Ginawa ng senadora ang pahayag kasunod ng tukuyin ng Asia-Pacific Consulting Firm na creator-tech sa isa nilang pag-aaral na posibleng hindi kayanin ng dito na ituloy ang kanilang operasyon dahil sa kakapusan ng pondo.
Nakasaad sa pag-aaral na nangangailangan ang Dito ng 2.5 bilyong dolyar bilang karagdagan sa 500 milyong nauna nang inutang nito mula sa Bank of China.
Magugunitang sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services kamakailan, hindi nagustuhan ng senadora ang tila kawalang pagtaya ng DITO sa kung magkano ang kailangan nitong gastusin bago naghain ng aplikasyon para sa prangkisa.
Una nang nagbabala ang creator-tech na maantala ang operasyon ng DITO dahil sa kawalan ng pondo na siyang maging sanhi ng kabiguan nitong matupad ang kanilang pangako.
Sakaling mangyari ito, sinabi ng creator-tech na malaki ang posibilidad na pagmultahin ang dito at bawiin pa ang lisensya nito, dahilan upang ito’y magsara ng tuluyan.