Nilinaw ng third telco na babayaran nito ng cash ang AFP para sa pag-lease ng mga space sa loob ng mga kampo ng militar para sa pagtatayo ng towers at equipment nito.
Ayon kay Atty. Adel Tamano, Chief Administrative Officer ng Dito Telecommunity Corporation nakasaad sa memorandum of agreement kung magkano ang ibabayad nila sa AFP bilang renta sa mga espasyo sa military camps at hindi ito libre.
Sinabi naman ni Dito Chief Technology Officer Rodolfo Santiago na ang kumpanya ang unang telco na pinagbabayad ng cash ng AFP at ito aniya ang dahilan kaya’t mismong si AFP Chief of Staff Gilbert Gapay ang nais na magrepaso sa mga kasunduan sa telcos.