Nanganganib maunsyami ang paglarga ng operasyon ng ikatlong Telecommunications Company sa bansa na DITO Telecommunity Incorporated.
Ito’y sakaling mabigo ang nasabing kumpaniya na bumuo ng back-up plan matapos ibasura ng Internet giants na Goggle at Facebook ang planong paglalatag ng undersea cable sa pagitan ng Estados Unidos at ng Hongkong.
Ayon kay University of the Philippines o UP Professor on Technological Management Center Prof. Glen Imbang, nag-ugat ito sa mariing pagtutol ng US Government dahil sa paniniwalang gagamitin ito ng China para sa paniniktik.
Dahil dito, sinabi ni Prof. Imbang na maaaring gamitin ng DITO ang Satellite Feeds para sa internet connectivity bilang isa sa mga alternatibong paraan sakaling hindi magbunga ang nasabing proyekto.
Build its own undersea cable or go into rocket science or satellite for the data transmission,” ani Prof. Imbang.
Una rito, ipinangako ng DITO na magkakaloob ito ng internet access sa one-third ng mahigit sa 100 milyong populasyon ng bansa sa minimum speed na 27 megabits (Mbps) na nakatakda sanang i-roll out noong nakaraang July 8 subalit naunsyami dahil sa COVID 19 pandemic.
Samantala, mahigpit na tinutulan ng mga residente ng Armed Forces of the Philippines Officers Village, Inc. sa Taguig City ang napaulat na plano ng Dito na magtayo ng may 20 5G cell towers sa kanilang komunidad.
Isa sa mga dahilan na tinukoy sa isang online petition ng karamihan ay retired at active military men ang cybersecurity issue .
Since our village is a community of former military officers and our place is also very near to the headquarters of the Army, Navy and Air Force and about 40 residents in our place are holding key government positions.” nakasaad sa petisyon.