Pinaiimbestigahan ni ACT Teachers Party List Representative France Castro ang hindi umano pagtupad ng DITO Telecommunity sa mga pangako nito matapos maaprubahan ang kanilang prangkisa.
Sinabi ni Castro na dapat mapatawan ng karampatang penalty ang Third Telco Base na rin sa prangkisa nito na una na nilang tinutulan dahil kontrolado ito aniya ng Chine Telecom na maaaring banta sa national security.
Kabilang aniya sa mga napakong pangako ng DITO Telecommunity ang obligasyon nitong serbisyuhan ang 37% ng populasyon lalo pa’t nadagdagan ng 9-M ang populasyon ng bansa ngayong 2021.
Bukod pa ito, ayon kay Castro sa pangako ng Dito Telecommunity na panatilihin ang average minimum internet speed na 27Mbps.
Nais ding malaman ni Castro ang tunay na nangyari sa napaulat na 1,600 cell towers pa lang na naitatayo ng kumpanya batay sa technical audit ng ntc ..gayung nasa 2,500 cell towers ang ipinangako nito.
Binigyang diin pa ni Castro na ang Third Telco ay inaprubahan para serbisyuhan ang mahihirap at marginalized sector ng lipunan subalit tila naging anti poor ito dahil nag roll-out ito sa highly urbanized cities ng Visayas at Mindanao at Metro Manila at para ma avail ang serbisyo nito ay kailangan pang bumili umano ng 4G handsets.