Nilinaw ng Dito Telecommunity Corporation na sa Marso pa ng susunod na taon pormal na ilulunsad ang operasyon ng telco o pagkuha ng mga subscribers.
Ayon kay Atty Adel Tamano, chief administrative officer ng Dito, nakasaad ito sa kanilang certificate of public convinience and necessity (CPCN).
Ipinaliwanag ni Tamano na ‘technical launch’ ang tinutukoy na July 2020 deadline ng Department of Information and Communication Technology (DICT).
Sa technical launch, sinabi ni Tamano na aalamin o isasalang ng National Telecommunications Commission (NTC) sa audit ang ginagawa nilang paghahanda sa kanilang infrastructure tulad ng mga pagtatayo ng towers.
Aalamin anya sa audit kung nasunod nila na dapat ay mayroon na silang 1,600 towers sa July ng taong ito.