Target ng “Dito” telecommunity na makuha ang 30% ng telco subscribers sa unang tatlong taon nila bilang telco sa Pilipinas.
Nobyembre ng nakaraang taon nang makapasok ang “Dito” na dating kilala sa pangalang Mislatel bilang ikatlong telco sa bansa.
Layon ng pagpapapasok sa “Dito” na mabuwag ang duopoly ng Globe telecom at PLDT Inc.
Inaasahan ang full blast operations ng “Dito” sa ikalawang bahagi ng susunod na taon.
Napag-alamang magsisimula sila sa 4G LTE connectivity bago umusad sa 5G technology sa 2021.