Inihayag ng Palasyo na pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang diversion ng mga inbound international flights na palapag ng Mactan-Cebu International Airport papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na iiral ang flight diversion hanggang sa ika-12 ng Hunyo.
Dagdag ni Roque na layon ng naturang hakbang na maayos na maitpatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang arrival policy sa Cebu.
Magugunitang iniutos ni Office of the Executive Secretary ang naturang diversion ng mga eroplanong may byahe pa-Mactan, Cebu papuntang NAIA mula noong ika-29 ng Mayo hanggang nitong ika-5 ng Hunyo.
Mababatid na ito’y dahil na rin sa kakulangan ng mga quarantine hotels para sa mga paparating na byahe sa kanilang probinsya.