Dinagsa ng mga mamimili ang bentahan ng mga uniporme at school supplies sa Divisoria.
Dati nang patok ang Divisoria para sa mga mamimili dahil sa murang presyo at maraming opsyon na pagpipilian.
Ngunit ngayong darating na pasukan, tumaas na rin mula P10 hanggang P15 ang presyo ng bultuhan ng notebook at papel sa Divisoria.
Samantala, ayon kay Department of Education (DepEd) spokesperson Atty. Michael Poa, nakipag-ugnayan na sila sa DTI upang masiguro na walang mananamantala sa presyo ng mga school supplies, uniporme, at iba pa. —sa panulat ni Hannah Oledan