Planong sampahan ng kaso ng mga Divisoria vendor si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno at iba pang tauhan ng Manila City Hall.
Ito ay matapos ibenta umano ang Divisoria Public Market nang hindi umano sila kinonsulta.
Ayon kay Emmanuel Plaza, Chairman ng Divisoria Public Market Credit Cooperative, ang kaso ay kanilang ihahain sa Office of the Ombudsman.
Sinabi ni Plaza na ikinagulat ng mga Tindera at iba pang mga negosyante ang pagpapaalis sa kanila ng mga tauhan ng City Hall sa kanilang mga puwesto.
Dagdag pa ni Plaza, sumulat na ang Divisoria Public Market Credit Cooperative sa senado para magsagawa ng pagdinig hinggil sa kanilang hinaing kaso pero hindi pa ito naaksyunan. —sa panulat ni Angelica Doctolero