Inihain ni Albay Rep. Edcel Lagman ang isang panukalang batas sa 17th Congress na inaasahang makapagbibigay ng absolute divorce.
Ayon kay Lagman, ang House Bill Number 116 ay makapagbibigay ng kalayaan sa mga kababaihang nagdurusa sa loob ng kasal.
Ang magiging grounds ng absolute divorce bill ay tulad din ng grounds sa legal separation at annulment sa ilalim ng Family Code of the Philippines.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng valid foreign divorce, nakakuha na ng canonical divorce, sumailalim sa gender re-assignment ang sinuman sa mag-asawa at irreconcilable differences.
Marijuana
Muling binuhay ni Isabela Rep. Rodito Albano ang panukalang batas na naglalayong i-legalize ang paggamit ng marijuana.
Ayon kay Albano, libu-libong mga pasyente na may mga seryosong karamdaman maaring makinabang sakaling maisabatas ang medical use ng marijuana.
Umaasa si Albano na mabibigyan ng tiyansa ang naturang panukalang batas sa pagbubukas ng 17th Congress.
By Rianne Briones