Sa ika-limang pagkakataon, inihain sa Kongreso ang Divorce Bill.
Nagpahayag ng pag-asa sina Gabriela Representatives Emmie de Jesus at Arlene Brosas na lulusot na ang Divorce Bill sa pagkakataong ito.
Ipinaliwanag nina de Jesus at Brosas na isinasaalang-alang ng kanilang panukalang diborsyo ang kultura ng mga Pilipino na kumikilala sa pagiging sagrado ng kasal.
Kaya naman sa ilalim ng House Bill 2380 o Divorce Bill, naglatag sila ng mga kundisyon para aprubahan ang diborsyo ng mag-asawa.
Kabilang sa mga kundisyong ito ay kung, abot na sa 5 taong hiwalay ang mag-asawa at talagang wala nang pag-asang magkabalikan ang mga ito mayroon nang legal separation ang mag-asawa sa loob ng dalawang taon kung isa sa mag-asawa ang psychologically incapacitated kapag masyadong malaki ang pagkakaiba at hindi pagkakasundo ng mag-asawa na wala na talagang pag-asang maayos pa.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)