Umusad na sa kauna-unahang pagkakataon sa Senado ang Divorce bill.
Noong 17th congress, lumusot ang Divorce bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso hanggang sa third reading subalit hindi ito nakaakyat sa Senado.
Sa nasabing pagdinig, humarap ang mga resource persons at ibinahagi sa publiko ang kanilang karanasan sa pag-aasawa.
Kabilang dito ang isang ginang na nagsalaysay ng kanyang karanasan sa kamay ng malupit nyang asawa.
Tinalakay rin sa pagdinig ang haba ng panahon at mataas na halaga na ginugugol sa annulment. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
Tinatalakay na sa Senado ang panukalang diborsyo na isinusulong nina Senator Risa Hontiveros at Senator Pia Cayetano.
Ayon kay Hontiveros na siyang Chairman ng Senate Committee on women, children and family relation, isang makasaysayang araw para sa lahat ang pagdinig ng diborsyo sa bansa.
Iginiit ni hontiveros na may karapatan ang bawat pilipino lalo na ang mga kababaihan na makawala sa agresibong relasyon, at bigyan muli ng ikalawang pagkakataon para magmahal ulit at magkaroon ng muli pamilya. — contributor: Lyn Legarteja