Hindi pa nagwawakas ang diwa ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang inihayag ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ngayong ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power.
Ayon kay Ramos, kinakailangan lamang na patuloy ang pagsisikap ng mga filipino para tuloy din ang pagtamasa sa kalayaan at karapatan na nakasaad sa ating konstitusyon.
Aniya ang kasaysayan ang isang matibay na ebidensya ng lagi nating napagtatagumpayan ang pag abot sa ating minimithi basta’t sama-sama sa pagkilos.