Kinumpirma ng Department of Science and Technology o DOST na nakarating na sa international space station ang Diwata 1.
Ayon kay Dr. Carlos Primo, Executive Director ng DOST, Sabado ng gabi nang makarating sa low earth orbit ang kauna-unahang microsatellite na gawang Pinoy.
Inaasahan naman ang unloading ng Diwata 1 sa unang linggo ng Abril bago ito tuluyang pakawalan sa kalawakan.
Sa unang linggo naman ng Mayo inaasahang makakukuha ng larawan ang Diwata 1 mula sa kalawakan.
By Jaymark Dagala