Kumpiyansa ang komunidad ng mga Muslim na matatapos din sa lalong madaling panahon ang nangyayaring gulo ngayon sa Marawi City.
Ayon sa Muslim Leader na si Yusuf Manda, naniniwala siyang diyalogo o pakikipag-usap pa rin ang pinakamabisang solusyon upang maresolba ang gulo sa lungsod.
Gayunman, diskumpiyado si Manda sa mga taong bumabalangkas ng peace process dahil sa aniya’y naghahatid lamang ito ng pagkakahati-hati sa halip na pagkakaisa ng mga Moro lalo na sa Mindanao
“Isa sa mga dahilan ng malalang hidwaan diyan sa Marawi ay pulitika yan, pangalawa ay ang pag-uudyok ng pagkakawatak-watak ng mga angkan, at syempre ang rido, kasama na diyan ang paggamit ng illegal trade, kaya narco-politics ang nakikita naming isa sa mga sanhi ng pagkakagulo diyan.” Pahayag ni Manda
By Jaymark Dagala / Balitang Todong Lakas Interview