Nagpasalamat ang Department of the Interior And Local Government (DILG) sa pagiging bukas ng Archdiocese of Manila sa diyalogo.
Ayon iyan kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya kasunod ng matagumpay na pag-uusap ng dalawang panig makaraang payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 10% sa isasagawang religious services ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Malaya, pinakinggan aniya ng pamahalaan ang kahalagahan ng spiritual support ngayong mataas ang kaso ng problemang pangkaisipan dulot ng pandemiya.
Kasunod nito, nanawagan ang DILG sa mga mananampalataya mas mainam kung mananatili na lamang sa loob ng bahay at makinig sa religious services sa pamamagitan ng live streaming online upang makatulong mapababa ang kaso ng COVID-19.