Kasado na ang one-on-one dialogue ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Romulo Valles.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque isang araw matapos ang kanyang pakikipag-usap kay Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia sa Malate, Maynila.
Si Roque ay isa sa miyembro ng four-man panel na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makipag-diyalogo sa mga leader ng Simbahang Katolika.
Sumang-ayon aniya ang panel at Papal Nuncio na kailangan ang kooperasyon ng gobyerno at simbahan sa mga kinakaharap na issue ng bansa.
Hindi naman idinetalye ni Roque kung kailan at saan isasagawa ang dayalogo ni Pangulong Duterte at Valles.
Samantala, ikinagalak naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang planong diyalogo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mataas na opisyal ng Simbahang Katolika.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang pulong nila ni Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia.
Ayon kay Roque, bukod sa ikinakasang one-on-one dialogue ni Pangulong Duterte kay CBCP President Romulo Valles, bukas din si Caccia na masundan pa ang nasabing pulong.
Magugunitang inulan ng batikos si Pangulong Duterte matapos nitong tawaging “istupido” ang Diyos.