Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG o Department of Interior and Local Government na makipag-ugnayan sa League of Municipalities of the Philippines.
Ito’y para talakayin ang mga alituntunin para sa pagbibigay ng security detail sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa harap ng sunud-sunod na pagpatay sa kanilang hanay.
Magugunitang hiniling ng grupo ng mga alkalde na makausap nila si Pangulong Rodrigo Duterte upang magpahayag ng pagkabahala sa naturang usapin.
Pero ayon kay LMP President at Socorro, Oriental Mindoro Mayor Maria Fe Brondial, tiniyak sa kanila ng pangulo na mabibigyan sila ng sapat na seguridad partikular na iyong mga may banta sa kani-kanilang seguridad.
Magugunitang inihayag ng DILG na tinanggalan ng police power ang may walong gobernador gayundin ang 178 alkalde dahil sa pagkaka-ugnay ng mga ito sa iligal na droga.