Pasok na sa quarterfinals ng Madrid Open sina Novak Djokovic , Andy Murray at Rafael Nadal .
Tinalo ni Top Rank Djokovic si Roberto Bautista ng Espanya sa iskor na 6-2, 6-1 na siyang ika-30 panalo na nito ngayong season.
Ang defending champion naman na si Murray, idinispatsa ang Pranses na si Gilles Simon sa iskor na 6-4, 6-2.
Samantala, di naman nagpadaig si Nadal sa kalabang si Sam Querrey sa kabila ng hirap nito sa mga naunang set.
Nagtapos ang laban ni Nadal kontra kay Querrey sa iskor na 6-4, 6-2.
By Ralph Obina