Binigyan na ng certificate ang De La Salle University sa Cavite upang tuluyan nang maging coronavirus disease 2019 (COVID-19) facility.
Ayon Department of Health (DOH), dahil dito umabot na sa kabuuang 24 ang total number ng mga licensed reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) laboratories sa bansa.
Noong nakalipas aniya na Biyernes, nakapagsagawa na ang DOH ng 142,663 COVID-19 test sa mga itinuturing na mga unique individuals.
Mula sa bilang na ito, 127,041 patients o 90% ang nag negatibo habang 14,076 o 10% lamang ang naging positibo sa virus.
Base sa datos ng DOH, umabot na sa 704 ang COVID-19 death toll sa bansa, at walo dito ang mga bagong kaso ng pagkasawi.
Samantala, pumalo naman sa 10,610 ang nationwide tally ng COVID-19 confirmed cases, na mayroong 1,842 recoveries.