Nakatanggap ng bomb threat ang De La Salle University sa Lipa, Batangas.
Ang nasabing bomb threat ayon sa pamunuan ng DLSU ay natanggap sa pamamagitan ng isang text message kaninang alas-7:40 ng umaga.
Dahil ditto, kaagad nagsagawa ng inspeksyon sa palibot ng paaralan ang mga tauhan ng institutional safety, security and emergency services office ng unibersidad.
Naitawag din sa Philippine National Police o PNP ang nasabing sitwasyon.
Matapos ang inspeksyon, idineklarang clear ang DLSU sa anumang banta.
DLSL releases official statement on the received bomb threat, 12.01.17 pic.twitter.com/ISg8lbMGMo
— De La Salle Lipa (@DLSLOfficial) December 1, 2017
—-