Bukas ang kumpaniyang DM Consunji Incorporated o DMCI sa sandaling naisin ng mga bumili ng unit sa kontrobersyal na Torre de Manila na i-refund ang kanilang mga ibinayad.
Gayunman, sinabi ni Florence Loreto, tagapagsalita ng DMCI, wala pang dahilan sa ngayon para mangamba ang kanilang mga unit owners dahil kasalukuyan pang tinatalakay ito sa korte.
Ngunit sinabi ni Loreto na kung hindi na makapaghihintay ang kanilang kliyente at buo na ang loob nito na umatras, may refund process naman silang ginagawa bilang bahagi ng kanilang protocol
Minsan inihayag sa DWIZ ng Housing and Land Use Regulatory Board o HLURB na kalahati o 50 porysento lamang ng naibayad ang maaaring mabawi ng unit owner dahil sa nakabinbin pang usapin sa korte.
By Jaymark Dagala