Pinatunayan lamang ng DMCI ang kawalang malasakit sa bayan.
Binigyang diin ito ni Senador Pia Cayetano matapos muling batikusin ang DMCI sa mungkahing patayuan ng mas marami pang matataas na gusali ang likuran ng Rizal Monument.
Ang nasabing pahayag aniya ay patunay na walang social responsibility ang naturang developer dahil hindi isinaalang-alang ang bantayog ni Gat Jose Rizal.
Sinabi pa ni Cayetano na magdudulot lamang ng problema sa traffic, baha, basura at supply ng tubig kung tatayuan pa ng ang sangkaterbang gusali ang likod ng monumento ni Rizal.
Kahit mandamay ang DMCI ng ibang developer para sa sinasabi nitong development, inihayag ni Cayetano na hindi pa rin ito maaabsuwelto sa pambabastos sa bantayog ni Rizal.
By Judith Larino | Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)