Nakauwi na sa bansa ng ligtas ang 8 Overseas Filipino Workers (OFW)na galing sa bansang Laos sa tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Foreign Affairs (DFA).
Ito ay matapos humingi ng tulong ng mga OFW kay OFW-PARTYLIST representative Marissa “Del Mar” Magsino.
Sinabi ni Magsino na nakalusot ang mga ito palabas ng bansa sa tulong ng kanilang kasabwat na recruiter sa loob ng Bureau of Immigration (BI).
Pinangakuan umano ang mga ito ng maayos na trabaho at malaking sahod, libreng pabahay at pagkain ngunit sila ay dinala sa iba’t ibang bansa sa Southeast Asia at pinasok bilang scammers sa mga negosyong pinatatakbo ng mga sindikato sa “golden triangle”
Pinaalalahanan naman ni magsino ang publiko na nais mangibang-bansa na mag-iingat sa mga hiring agency o recruiter at siguraduhing rehistrado ang mga ito sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan.