Hinimok ng Department of Migrant Workers ang mga overseas Filipino worker sa Japan na naapektuhan ng malakas na lindol na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya.
Kasunod ito ng pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Central Japan at kanlurang baybayin nito.
Sa social media platform na X, ibinahagi ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac ang mga numero na maaaring tawagan ng mga OFW na nangangailangan ng tulong.
Maaaring makipag-ugnayan sa DMW-OWWA Japan Help desk (local) – 1348; DMW-OWWA Japan Help Desk (abroad) – (+632) 1348; at DMW-MWO-Osaka – (+81) 7022756082 o (+81) 7024474016