Pinamamadali na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagproseso sa requirements ng aprubadong recruitment agencies sa whitelist ng gobyerno.
Ito ay kasunod sa pagtanggal ng deployment ban sa Saudi Arabia.
Ayon sa DMW, papayagan lamang nito ang mga whitelisted agencies ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa oil-rich kingdom.
Kaugnay dito, maglalagay ng departamento ng ‘courtesy lanes’ para sa mga liaison officer at kawani ng iba pang ahensya ng gobyerno upang mapabilis ang deployment ng mga OFW
Maaprubahan naman sa susunod na linggo ang mga job order para sa Saudi Arabia
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa gobyerno ng saudi arabia hinggil sa pangako nitong maglalaan ng 2- B riyal para sa mga unpaid OFW. - sa panunulat ni Jenn Patrolla