Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na mag-ha-hire muli ng mga bagong empleyado upang tugunan ang aabot sa 1,000 posisyon sa ahensya.
Ayon kay DMW secretary Susan Ople, bubuksan din nila ang 15 regional offices at 4 na karagdagang migrant workers offices.
Tiniyak din ni Ople na patuloy na tutulungan ang mga Overseas Filipino Workers at mga pamilya nito alinsunod sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos.
Pumalo naman sa 800,000 OFW ang natulungan ng Administrasyong Marcos.
Samantala, nagpasalamat naman si Ople kay PBBM kaugnay sa inaprubahang P16B na pondo ng kagawaran ngayong taon. –sa panulat ni Jenn Patrolla