Pumalo na sa P10.8 million ang naipamahaging tulong ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng lindol sa Northern Luzon.
Sa datos ng DMW, aabot na sa 3, 612 pamilya ang nakatanggap ng calamity assistance, kung saan bawat benepisyaryo ay binigyan ng P3-K.
Ilan sa mga lugar na hinatiran ng tulong ay ang mga Munisipalidad ng Bangued, Tayum, at Villaviciosa.
Una rito, ipinag-utos ni DMW secretary Susan “Toots” Ople ang paglalaan ng P20 million na suporta at assistance fund para sa pamilya ng mga OFW na naapektuhan ng lindol.