Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga indibidwal na nais magtrabaho sa ibang bansa laban sa mga naglipanang pekeng recruiters.
Sinabi ni DMW Undersecretary for Welfare and Foreign Employment Hanz Leo Cacdac na nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa paglobo ng kaso ng mga nabibiktima ng Cybercrime at Human Trafficking Syndicates sa Myanmar, Laos, at Cambodia.
Nanghihikayat aniya ang mga sindikato sa pamamagitan ng pag-aalok ng libreng ticket o libreng pagproseso ng Visa sa pupuntahang bansa.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng DMW ang publiko na kilatising mabuti ang mga recruitment agency.