Nagsimula na ang Department of Migrant Workers sa pamamahagi ng ayuda para sa mga overseas filipino workers na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait.
Aabot sa 815 na OFWs ang apektado ng VISA suspension kung saan, P30,000 tulong pinansyal ang ibinigay ng DMW sa unang batch ng mga apektadong pinoy workers.
Nabatid na nasa limampung OFWs ang kasama sa unang batch na nakatanggap ng ayuda na bibigyan din ng job matching o panibagong oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa DMW, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga recruitment agencies para makapagbigay ng panibagong trabaho sa mga apektadong OFWs.
Sa ngayon wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang suspension sa Kuwait pero umaasa ang pamahalaan na magbubunga ang labor diplomacy ng pilipinas na magbibigay-daan sa mahinahon na pakikipag-usap sa Kuwait government.