Ilalabas na ng AFP ang resulta ng DNA test ng dalawang umano’y suicide bombers na nanguna sa pagsalakay sa kampo ng militar sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu nitong June 28.
Ito ay matapos ipaabot ni Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Western Mindanao Command si AFP Chief Benjamin Madrigal ang hinggil sa resulta ng DNA test ng PNP Crime Laboratory sa isang umano’y Pilipino at isang batang banyaga.
Sinabi ni Sobejana na ilalabas nila ang resulta ng DNA test kapag nakumpleto na ang prosesong gagawin nila.
Nais matukoy sa DNA test kung ang unang bomber ay anak nang umangkin na ginang sa Sulu na isang Pilipino at ang pangalawang batang bomber na inaalam kung anak nga ng Moroccan bomber na nagpasabog naman sa Lamitan, Basilan.