Pinayunan ni Senador Panfilo Lacson ang pamilya ni Reynaldo “Kulot” de Guzman na tanggapin na lamang ang naging resulta ng isinagawang DNA test ng pambansang pulisya.
Ito’y ayon kay Lacson na Chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na nagsabing hindi na maaaring ulitin ang ginawang DNA testing sa natagpuang bangkay na tadtad ng saksak sa isang sapa sa Nueva Ecija na una nang pinaniwalaang si Kulot.
Giit ng Senador, mayruon aniyang isang International Association na nagsabing hindi na maaaring kontrahin ang naunang DNA analysis ngunit hindi na niya maalala kung ano ang pangalan ng nasabing grupo.
Kasunod nito, sinabi ni Lacson na kung ipipilit man ang ikalawang DNA testing sa pinaglalamayang bangkay ng pamilya ni Kulot, tiyak aniyang matagal na proseso ang hihintayin bago ito maisakatuparan.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE