Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nangangapa pa rin sila kung paano nakapasok ng Marawi ang daan daan terorista mula sa ibat ibang panig ng Mindanao at ibang bansa.
Sinabi ni Lorenzana na una nilang inakalang 250 lamang ang mga kalaban sa lungsod.
Subalit nang mapansin nilang hindi nauubos ang kanilang mga kalaban ay duon na aniya nila nalamang mas maraming terorista pa pala ang nakapasok ng Marawi at galing ang mga ito sa Basilan, Sulu, Jolo, Indonesia at Malaysia.
Dahil dito tiniyak ni Lorenzana na paiigtingin pa nila ang kanilang intelligence effort at technical capability para hindi na maulit sa ibang panig ng bansa ang kaguluhan sa Marawi.
Sa ngayon ay mahigit 700 terorista na ang papatay sa bakbakan sa Marawi City.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE