Handang humarap ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa isinasagawang oral arguments ng Korte Suprema.
Kaugnay ito sa mga inihaing petisyon na kumukuwesyon sa ligalidad ng idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, ipadadala ng AFP ang kinakailangang opisyal para sagutin ang lahat ng mga katanungan ng mga mahistrado .
Kabilang aniya sa mga ito sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Eduardo Año at iba pang military commanders na may kinalaman sa operasyon sa Marawi City.
Ipaliliwanag ng AFP sa high tribunal kung bakit kasama sa biyahe ng Pangulo ang mga top security officials ng bansa sa naging biyahe nito sa Russia bago sumiklab ang gulo sa Marawi.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping