Nakatakdang bumili ng apatnaraan at pitumpung (470) milyong pisong halaga ng bala ang Department of National Defense o DND.
Ito ay para mapalitan ng bagong stock ang mga nagamit na bala ng AFP o Armed Forces of the Philippines at PNP o Philippine National Police sa mga naging sagupaan sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla, ang naturang acquisition ng DND ay bahagi lang aniya ng patuloy na pag-aangkat ng mga kinakailangang pamalit sa mga nawalang stocks.
Nilinaw ni Padilla na may giyera o wala ay tuloy-tuloy naman ang ginagawa nilang pagbili ng mga bala.
By Ralph Obina
Defense department bibili ng P470-M halaga ng mga bala was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882